MANILA, Philippines - Hindi na makakaapekto pa sa bansa ang bagyong Karen dahil patuloy ang paglabas nito sa area of responsibility patungo sa direksiyon ng Japan.
Gayunman, patuloy na makakaranas ng mga pag-uulan ang mga taga Metro Manila, Central Luzon, Bicol Region, Calabarzon at Mimaropa bunga ng epekto ng habagat.
Alas-11 ng umaga kahapon, si Karen ay namataan sa layong 660 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hanging 185 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang 220 kilometro bawat oras.
Si Karen ay kumikilos sa bilis na 15 kilometro bawat oras papunta sa direksiyon ng hilaga hilagang kanluran
Bago umalis ng bansa, si Karen ay “kumain” ng isang buhay at marami ang naapektuhan ng mga pagbaha dulot ng dala nitong mga pag-uulan.