Defense department bibili ng spy plane

MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng modernization program, naghahanap na ang Department of National Defense ng mabibiling  spy plane para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) partikular na ng Philippine Air Force (PAF) sa pagpapatrulya sa himpapawid ng teri­toryo ng bansa. 

Ayon kay Defense Spokesman Dr. Peter Paul Galvez, malaki ang maitutulong ng long –range patrol aircraft sa teritorial defense kaugnay ng patuloy na intrusyon sa West Philippine Sea.

Kasalukuyan  namang nasa proseso ng negosasyon ang pagbili ng mga spy plane upang hindi na manghiram pa ang security forces ng bansa sa Estados Unidos.

Ikinokonsidera naman ng Defense na bumili ng surveillance aircraft mula sa Indonesia at Europe.

“We’re looking at Indonesian and European. Various manufacturers are being looked into, the most appropriate for our purposes,”ayon pa kay Galvez kung saan pinag-aaralan pa  ang pagbili ng spy plane.

“That is the work of the long-range patrol aircraft, maritime surveillance, for maritime security,” giit pa nito.

Sa taong ito ay desi­dido naman ang Defense department na itodo ang capability upgrade sa AFP sa nakalinyang 138 proyekto sa modernisasyon na aabot sa P70 bilyon ang halaga.

Show comments