ROXAS CITY, Philippines —Nagpasalamat si Vice-President jejomar Binay sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga taga-Capiz kahit ‘inisnab’ siya ni Mayor Allan Celino kasabay ang pangako na magbabalik siya ditong muli.
Sinamahan si VP Binay sa kanyang morning routine na pag-eehersisyo sa city proper dito ng may 3,000 estudyante, NGO’s at mga barangay officials.
“Alam n’yo po, madalas akong mag-jogging ngunit ngayon lang ako nainitan ng ganito sa dami ninyong sumama sa akin,” wika pa ni Binay.
Magugunita na ipinagbawal ni Mayor Celino ang paglalagay ng mga welcome streamers sa mga stall owners at vendors sa pagdating ni Binay sa lungsod.
“Am I prohibited to come over? I have that responsibility. I was elected to serve the people, I have the support of the administration. Especially para magkaroon tayo ng mabuting pamamahala,” dagdag pa ng bise-presidente.