Pinoy na nakuryente sa Saudi, balik Pinas na

MANILA, Philippines - Dumating na sa bansa ang OFW na nakuryente at halos dalawang taong naratay sa pagamutan sa Saudi Arabia.

Dakong alas-12:50 ng hapon kahapon nang lumapag sa NAIA Terminal 1 ang Saudi Air flight SV-872 mula Jeddah lulan ang OFW na si Alfredo Salmos, 52, tubong Nueva Ecija. 

Si Salmos ay sinalubong ng kanyang mga kaanak at mga kinatawan ng Office of the Vice President (OVP), Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Nagpasalamat naman ang pamilya Salmos kay Vice President at Presidential Adviser on OFWs Concerns Jejomar Binay.

Naantala ang pagpapauwi kay Salmos dahil na rin sa kabiguang makakuha ng exit clearance mula sa employer nito at police clearance bunsod sa pagkakasangkot sa isang vehicular accident may isang dekada na ang nakalilipas.

Show comments