Ina ni Grace 'biktima' ng mga usisero

MANILA, Philippines - Nakiusap si Pangu­long Aquino sa mga ‘usisero’ na huwag ida­may ang mga taong walang kinalaman sa pagiging malapit nila ngayon sa isa’t isa ni GMA 7 news-anchor na si Grace Lee.

Ikinuwento ni PNoy sa mga estudyanteng lumahok sa Pulong Ba­yan sa La Consolacion College-Manila na pati ang nanay ni Grace Lee na nagmamay-ari ng isang tindahan ay nagi­ging biktima na ngayon ng mga ‘usisero’.

Aniya, napilitan tuloy ang ina ng kanyang ‘apple of the eye’ na magkunwari na lamang na customer ng tindahan upang makaalis lamang ito at makaiwas sa mga ‘usisero’.

Aniya, sana ay huwag namang idamay ang mga taong walang kinalaman sa kanila ni Grace Lee.

Ibinida naman ni PNoy na ‘maayos’ naman ang takbo ng kanilang relasyon ni Ms. Lee.

Show comments