MANILA, Philippines - Ipinalabas na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Miyerkules ang schedule ng Metro Rail Transit (MRT-3) ngayong holiday.
Sa darating na araw ng Sabado, alas-5:30 ng umaga ang unang biyahe hanggang alas-9 ng gabi. Sa araw ng Pasko ay alas-7 ng umaga ang unang biyahe hanggang alas-10:30 ng gabi ganun din sa Disyembre 31 at Enero 1.
Kaugnay nito, tiniyak ng MRT-3 management na patuloy nitong ipapatupad ang kanilang ‘no inspection, no entry policy.’
Maging ang mga pangregalo na nakabalot ay kakailanganin umanong buksan upang isailalim sa inspeksiyon kung nais ng mga commuters na payagan silang makasakay ng mga tren, kaya’t mas makabubuting huwag na munang ipabalot ang mga ito.
Maging ang mga pasaherong may dalang deadly weapons, mga malalaki at mahahabang bagay, pagkain at inumin, mga lobo at flammable materials ay hindi rin papayagan sa loob ng MRT3.