MANILA, Philippines - Kukumbinsihin ni Sen. Franklin Drilon si Pangulong Benigno Aquino III na suportahan nito ang isinusulong na pag-amyenda sa 1987 Constitution.
Ayon kay Drilon, ga gawin nila ang lahat para kumbinsihin ang Pangulo na maamiyendahan ang probisyon ng Konstitusyon na may kinalaman sa ekonomiya.
“We will exert our effort to convince him (President Aquino), that it is high time we take a look at the economic provisions,” sabi ni Drilon.
Nakakatiyak din si Drilon na bagaman at malamig ang pagtanggap ng pangulo sa Cha-cha, nakikinig ang Malacañang sa mga dis kusyon kaugnay sa panukalang pag-amiyenda sa Konstitusyon.
“I am sure that the President has not closed his mind at this point, the latest announcement that we hear from Malacañang is that he is listening,” sabi pa ni Drilon.
Pero aminado rin si Drilon na kung walang suporta ng Pangulo ay tiyak na hindi magtatagumpay ang isinusulong nilang Cha-cha.
“We do realize that without the political support of the President, this will not succeed,” sabi ni Drilon.
Sinabi rin ni Drilon na isa sa maituturing na “advantage” sa pagsusulong ng Cha-cha sa ngayon ay ang mataas na kredibilidad ng Pangulo.
Magugunita na tahasang sinabi ni Pangulong Aquino kamakailan na hindi siya pabor sa pam-amyenda sa Konstitusyon particular ang sinasabing economic provision dahil hindi ito ang mag-aangat sa kabuhayan at ekonomiya ng bansa.