MANILA, Philippines - Umakyat sa 77 percent o tumaas ng 6 percent ang satisfaction rating ni Pangulong Noynoy Aquino at umabot naman sa 75 percent o tumaas ng 4 percent ang trust rating nito sa nakalipas na tatlong buwan.
Sa latest “ulat ng Bayan survey” na isinagawa ng Pulse Asia mula Agosto 20 hanggang Setyembre 2, 2011 lumilitaw na kumbinsido ang mamamayang Pilipino sa pagpupursigi ng pamahalaan na mapaganda ang kundisyon ng pamumuhay ng taumbayan.
Sa survey, lumalabas na tanging isa lamang sa 10 Pilipino ang hindi pa kuntento sa performance ni Pangulong Aquino.
“While President Aquino’s overall approval and trust ratings go up by 6 and 4 percentage points, respectively, between May and August 2011, these changes fall short of being significant given the survey’s overall error margin of +/– 3 percentage points,” dagdag pa nito.
Kaugnay nito, nagpahayag naman ng pasasalamat ang Malakanyang sa naging pagtaas ng approval at trust ratings ni Aquino matapos ang isang taon sa panunungkulan na nagpapakita lamang na may malaki silang paniwala sa liderato ng kanyang administrasyon.
“It is an affirmation that more than a year into the current administration, the people’s faith in their leadership has not wavered, and has in fact become stronger,” pahayag ni Presidential spokesman Edwin Lacierda.
Kaugnay nito, nangako naman si Lacierda na higit pang pagbubutihin ng pamahalaan ang pagkakaloob ng mahusay na serbisyo sa taumbayan para sa kapakinabangan ng lahat ng mamamayang Pilipino.