MANILA, Philippines - Binalaan ni Environment Secretary Ramon Paje ang publiko mula sa illegal na pagkolekta at pagbebenta ng hayop na “tuko” dahil wala naman itong scientific basis na ang tuko ay may medicinal properties.
Niliwanag din ni Paje na ang pagkolekta ng tuko ay ipinagbabawal ng batas sa ilalim ng RA 9147 o kilala bilang Philippine Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
“The law expressly provides that the collection, trade or transport of geckos without appropriate permits from the Protected Areas and Wildlife Bureau, which is under the DENR, is punishable by imprisonment of up to four years and a fine of up to P300,000,” ayon kay Paje
Ayon sa report, ang Pilipinas at iba pang bansang Asya ay may malawakang pagbebenta sa hayop na tuko para maging medicinal properties laluna bilang aphrodisiac at makakagamot umano sa sakit na cancer, AIDS, asthma, tuberculosis at impotence.
Ang isang tuko na may bigat na 300-gram ay may halagang P50,000.