Late enrollees hindi na tatanggapin ng DepEd

MANILA, Philippines - Hindi na tatanggapin ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang mga batang mag-aaral na male-late sa enrollment ngayong pagbubukas ng klase sa Hunyo 6.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, layunin nilang matuto ang mga magulang at mismong mga bata na sumunod sa alinmang panuntunan ng DepEd dahil na rin sa pagkakaroon ng “mañana habit” o maling pag-uugali ng maraming Pinoy hinggil sa pagba-budget ng oras.

Sinabi ng Kalihim, sorry na lang sa mga late enrollees kaya ngayon pa lamang ay hinihimok nito ang mga magulang at mismong mga estudyante na magpa-enroll ng maaga para hindi mapagsaraduhan ng pintuan sa mga paaralan.

Ipinapaalala ng DepEd na nagsimula na ang enrollment sa lahat ng pumpublikong paaralan sa bansa mula sa kinder, elementary at high school.

Show comments