MANILA, Philippines - Pinayuhan kahapon ng United States (US) Embassy sa Maynila ang publiko na sarado ang kanilang tanggapan sa Lunes (Pebrero 21) upang bigyang-daan ang pagdiriwang para sa President’s Day (George Washington’s birthday), na isang US holiday.
Sa isang anunsiyo , sinabi ng embahada na babalik lamang ang kanilang operasyon sa normal sa Martes, Pebrero 22.
Ang President’s Day ay isang US Federal Holiday na ipinagdiriwang tuwing ikatlong Lunes ng Pebrero, bilang parangal kay George Washington, ang kauna-unahang pangulo ng Amerika.