MANILA, Philippines - Kontra si Senate President Juan Ponce Enrile sa isinusulong na Constitutional Convention (Con-con) upang amyendahan ang Saligang Batas.
Sinabi ni Sen. Enrile, kung Con-con ay maghahalal pa ng mga delegado na dagdag na gastos pa sa gobyerno gayung maaaring amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly.
Aniya, mas magastos ang Con-con kumpara sa Con-Ass dahil hindi na kailangang magdaos ng eleksyon ng mga delegado at magdagdag ng mga staff.
Iginiit pa ni Enrile, pabor siya sa Charter Change pero dapat ay sa pamamagitan ng Con-Ass at hindi Con-con.
“We can debate on that. We should be debating it so that the people will know what side they will take,” giit pa ni Enrile.