Paglipat ng PCSO sa PICC iimbestigahan ng Senado

MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Senator Vicente “Tito” Sotto III sa Senado ang paglipat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine International Convention Center (PICC) mula sa Quezon City.

Sa Senate Resolution No. 300 na inihain ni Sotto, sinabi nito na inirereklamo ng mga empleyado ang ginawang paglilipat dahil mula sa isang malawak at ligtas na lugar, inilagay ang PCSO sa PICC na masasabi umanong “disadvantage” sa panig ng publiko.

Sinabi pa ni Sotto na bukod sa mas malawak para sa iba’t ibang charitable projects ang dating tanggapan ng PCSO sa kahabaan ng E. Rodriguez Sr., Ave., Quezon City, mayroon din itong historical significance.

Dapat aniyang ikinonsidera ang pangangailangan ng iba’t ibang maapektuhang sektor bago isinagawa ang paglilipat. Ilang empleyado na rin umano ng PCSO ang sumulat sa ilang senador upang paimbestigahan kung ano ang totoong dahilan sa ginawang paglilipat.

Show comments