MANILA, Philippines - Malamang na mag-face-to-face sina dating Pangulo at ngayoy Congw. Gloria Arroyo at NBN deal whistleblowers na sina Rodolfo “Jun” Lozada at Joey de Venecia sa gagawing pagdinig ng Sandiganbayan sa graft case ni dating NEDA Director Romulo Neri sa Oktubre 13, 2010.
Isa si Mrs. Arroyo na inaasahang darating sa araw na ito ng pagdinig ng Sandiganbayan gayundin sina Lozada at de Venecia dahil sa pagkumpirma ng Sandiganbayan Fifth Division na ang mga ito ay pawang pinadalhan ng subpoena na nag-uutos na dumalo sa pagdinig sa Oktubre 13 at 28 gayundin sa Nob. 11, 2010.
Ang tatlo ay pinangalanan ng prosecution panel bilang unang mga saksi laban kay Neri.
Si Neri ang sinasabi ni Lozada na may alam sa $329 million NBN deal noong ito ay nasa National Economic Development Authority.