MANILA, Philippines - Simula na ngayong araw ang registration period para sa barangay elections.
Ayon sa Comelec, magtatagal ang pagpapatala ng 10 araw o hanggang sa Agosto 13 lamang.
Ang mga registrants para sa barangay polls ay kinakailangang Filipino citizen, naninirahan ng anim na buwan o higit pa sa barangay kung saan niya nais na magparehistro, at nasa 18 anyos pataas.
Magtungo sa pinakamalapit na Office of the Election Officer sa lungsod o munisipalidad mula 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi, kahit pa araw ng Sabado at Linggo.
Kailangang magdala ang registrants ng balidong dokumento na magpapatunay ng kaniyang identidad tulad ng birth certificate, baptismal certificate, at school records.
Nilinaw ng Comelec na hindi sila tatanggap ng community tax certificate o sedula gayundin ng certification mula sa barangay.
Samantala, mula Agosto 6-15 ang registration para sa SK elections.
Kuwalipikadong magpatala ang mga kabataang nasa edad 15-17 anyos. (Mer Layson/Doris Franche)