MANILA, Philippines - Umabot sa 85 percent ang trust rating ni Pangulong Noynoy Aquino mula sa mamamayang Pilipino batay sa latest survey ng Pulse Asia.
Ito ay isinagawa ng Pulse Asia’ matapos namang magsagawa ng sariling survey ang Social Weather Stations na umabot naman sa 88 percent ang trust rating na nakuha dito ni Pangulong Aquino.
“President Aquino appears to be off to a good start with 85 percent of Filipinos expressing trust in him – the highest trust rating ever recorded by any individual included in Pulse Asia’s trust probes since 1999,” ayon sa Pulse Asia.
May 2 percent naman ang ayaw kay P-Noy at 13 percent naman ang walang desisyon.
Ang Pulse Asia survey ay isinagawa sa may 1,200 adult respondents mula Hulyo 1 hanggang 11 ng taong ito.
Sa mga naitalagang opisyal ng Aquino Administration, si Social Welfare and Development Sec. Corazon “Dinky” Soliman ang tumanggap ng may pinaka mataas na trust rating na 72 percent, sinundan ni Justice Sec. Leila De Lima na 69 percent at Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo na 67 % ang trust ratings.