Serbisyo sa mga sundalo, pulis ilalaban ni Sen. Pia

MANILA, Philippines - “Lalo pang paiigtingin ng pamilya Cayetano ang pagmamahal at serbisyo sa ating mga sundalo at pulis!”

Ito ang mariing pa­ngako ni reelectionist senator Atty. Pia “Com­panera” Cayetano ha­bang ginugunita ang pa­mimigay ng lupa sa mga sundalo at pulis ng yu­mao niyang ama na si Senador Atty. Rene “Companero” Cayetano.

Sa panayam sa media, sinabi ni Pia na ma­laki ang pagmamahal ng kanyang pamilya sa mga sundalo at pulis dahil matagal ng nanilbi­han ang kanyang pa­milya sa mga lugar na maraming nakatirang sundalo at pulis.  

Ginunita ng senadora na, noong panahon ng kanyang ama, nagsilbi itong abogado ng mga sundalo at pulis na kara­mihan ay nabigyan ng lote at bahay sa Taguig, Pateros, at Muntinlupa sa pamamagitan ng mga presidential proclamation.

Sinabi pa ni Pia na, dahil sa patuloy na su­porta sa kanyang pa­milya ng mga pulis at sundalo, pinagtutuunan nila ang infrastructure, education at health bilang pasasalamat sa kanila.

“Makikita sa track record ko, ng aking ama at ng kapatid kong si Senator Alan Peter kung gaano namin kinakalinga ang mga komunidad na sinisilbihan ng mga nakaunipormeng lingkod ng bayan,” sabi pa ni Pia.

Idinagdag pa ni Sen. Pia na kung papalarin manalo uli, marami pang panukalang batas na nais niyang maipasa upang lalong guminhawa ang buhay ng mga sundalo at pulis.

Show comments