MANILA, Philippines - Mahalagang bigyan na ng buong atensiyon ang pagpapahusay ng serbisyong medikal na ibinibigay ng pamaha laang lokal ng Parañaque para sa mga residente nito.
Ito ang idiniin ni Parañaque City Congressman Eduardo “EDZA” Zialcita na nagsabing isa ito sa mga prayoridad niyang maisakatuparan base na rin sa kahilingan ng maraming residente sa lungsod na nakukulangan pa sa serbisyong nakukuha nila mula sa mga pagamutan at health center.
Ayon kay Zialcita, kung talagang malaki ang pondo ng lungsod at gumaganda pang lalo ang koleksyon sa buwis ay marapat lamang na maibalik ito sa mamamayan sa pamamagitan ng mas mahusay na serbisyong medical. (Butch Quejada)