Brownout sa Mindanao sa eleksiyon

MANILA, Philippines - Makakaranas ng brownout ang Mindanao sa panahon ng halalan sa Mayo 10 dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.

Ayon kay Carlito Clau­dio, deputy asst. chief technical officer ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), may power shortage silang 144 megawatts sa buwan ng Mayo kayat nanganga­hulugan ito ng dalawa hanggang tatlong oras na rotating brownouts sa weekends sa Mindanao.

“In Mindanao because of the effect of the El Niño there is not enough power coming from the hydro­plant so we have deficiency or shortage of power in May,” pahayag ni Claudio.

Wala naman anyang power shortage sa Luzon at Visayas sa buwan ng Mayo.

Sinasabing ang ka­walan ng suplay ng kur­yente ang siyang ugat ng pagpapatigil sa kauna-unahang automated polls sa bansa. (Angie dela Cruz)

Show comments