MANILA, Philippines - Umangat si Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. sa isang survey na isinagawa matapos ang pagsusumite ng kanilang mga certificate of candidacy.
Sa survey ng Issues and Advocacy (The Center) ni Ed Malay mula Disyembre 2-6, umangat si Teodoro na nakakuha ng 10 percent mula sa 1,200 respon- dents habang bumagsak naman ang rating ni Aquino na nasa 31 percent na lamang ito at 7 percent na lamang ang angat niya kay Nacionalista Party candidate Sen. Manuel Villar Jr.
Ayon kay Mr. Malay, umangat ang popularidad ni Teodoro dahil sa pagdedesisyon nito sa Maguindanao massacre at ang kanyang magandang ipinakikita sa mga presidential debates kung saan ay lumitaw na nakakaangat siya sa kanyang mga kalaban.
Idinagdag pa ng The Center na unti-unting nakikilala ng taumbayan si Teodoro lalo sa kanyang pagdalo sa mga presidential debates kung saan ay lumilitaw ang kanyang kahusayan laban sa ibang kandidato. (Rudy Andal)