PNP hirap tukuyin ang 'utak'

MANILA, Philippines - Sa kabila ng paglutang ng pangalan ng maim­pluwensiyang angkan ng mga Ampatuan, inamin kahapon ng Philippine National Police (PNP) na wala pa silang matukoy na mastermind at mga suspect.

Ito’y sa kabila ng pag­tuturo ni Buluan, Maguin­danao Vice Mayor Ismael “Toto“ Mangudadatu na bago minasaker ang mga biktima kabilang ang kani­yang maybahay na si Genalyn ay nakatawag pa ito sa kaniya at sinabing hinarang sila ng mga pulis sa checkpoint kasama si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. sa crossing ng Brgy. Taniag sa bayan ng Ampatuan.

Nagawa pang masabi ng ginang na pinagsa­sampal siya ni Ampatuan na may kasama umanong may 100 mga armadong kalalakihan at tinangay sila patungo sa direksyon ng liblib na lugar. Ilan sa mga kababaihan ay makikita sa nakunang larawan na nakabukas na ang zipper ng pantalon, ilan ay naka­suot na lamang ng underwear na indikasyong gina­hasa ang mga ito.

Sinabi naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Leonardo Espina na posib­leng mapabilang sa mga suspect si Mayor Andal Ampatuan Jr. Ikinatwiran ni Espina na nakapipigil sa kanilang paghahayag kung sinu-sino ang mga posib­leng may kinalaman sa kri­men ay ang pormal na pag­ha­hain ng reklamo parti­ kular ni Vice Mayor Ma­ngu­­da­datu. (Joy Cantos)

Show comments