MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Malacañang na hindi malayong kunin nilang ‘endorser’ ng kanilang mga kandidato sa darating na 2010 elections ang nanay ni pound for pound boxing icon Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia.
Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Er mita sa media briefing, sikat na sikat si Mommy Dionisia ngayon kaya siguradong malaking tulong ito kapag kinuha nilang endorser ng kanilang mga kandidato.
Wika pa ni Ermita, ang lahat ng estratehiya ay ginagamit ng ibat ibang partido upang makaakit ng botante at ang pagkuha ng mga sikat na endorser ay kabilang sa strategy na ito. (Rudy Andal)