Paglabas sa TV programs ng mga artistang kakandidato ok sa Comelec

MANILA, Philippines - Hindi pahihintuin ni Commission on Election Chairman Jose Melo sa paglabas sa mga television programs ang mga artistang tatakbo sa 2010 national elections kahit pa nakapaghain na ng Certificate of Candidacy.

Ayon kay Melo, hindi dapat na pagbawalan ang mga artista na ipagpatuloy ang kanilang career sa telebisyon gaya ng paglabas sa mga telenovelas kahit pa man nagdeklara na tatakbo sa pamamagitan ng paghahain ng CoC.

Nilinaw nito na sa Pebrero 2010 pa ang simula ng kampanya para sa national post habang Marso 26 naman ang sa local post, ngunit kung maagang pagbabawalan ang mga artista sa kanilang paglabas sa telebisyon ay mawawalan agad ng trabaho ang mga ito hanggang sa campaign period.

Ang pahayag ay ginawa ni Melo kasunod ng kahili­ ngan ng aktres na si Ara Mina at 2 pang TV personalities na kapwa may intensiyong kumandidato sa 2010 elections, na makapagpa­tuloy na lumabas sa mga tv shows sa kabila ng pag­hahain ng CoC dahil hindi niya kayang tustusan ang kampanya kung mawawa­lan ng trabaho.

Kasabay nito, hiniling naman ni Metro Manila Film Festival of the Philippines Executive Chairman Ba­yani Fernando na payagan ng Comelec na maipalabas sa Disyembre ang mga pelikula ng mga artistang-politiko, kung saan dapat aniyang bigyan ng exemption ang mga ito sa Comelec ban.

Iginiit ni Fernando na hindi pa maituturing na opisyal na kandidato ang isang actor-politician kung hindi pa umaabot ang campaign period at kung tuluyang pagbabawalan ay tiyak na maraming lokal producers ang malulugi at babagsak ang industriya ng Pelikula.

Kabilang sa mga entry na pelikula na nanganganib na masagasaan ng “election ban” ang “Panday” na pi­ nag­­bi­bi­dahan ni re-elec­tio­nist Senador Ramon Revilla Jr., at “Wapakman” ni boxing champ Manny Pacquiao na tatakbo umano sa Kongreso. (Doris Franche/Mer Layson/Danilo Garcia)

Show comments