MANILA, Philippines - Bababa ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Mayo base sa mababang halaga ng kuryente mula sa independent power producers (IPP).
Ayon sa Manila Electric Company, malaki ang naibaba sa generation cost ng supplier ng Meralco na nagbunsod ng pagbaba ng fuel cost noong Abril.
Sinabi ni Ivanna dela Peña, VP at head of utility economics na bunsod ito ng 59.70-centavo drop in ng generation charge, mula sa P5.0205 per kilowatt-hour noong Abril sa P4.4235 per kwh ngayong Mayo.
Bunsod nito, ang isang residential client na nagbabayad ng halagang P733.72 na may konsumong 100 kwh ng kuryente noong Abril ay inaasahan na mababawasan ng P57.62 ngayong buwan.
Sa mga komukunsumo naman ng 200-kwh kada buwan ay mababawasan ng P165.02.
Bumaba din sa 19.55 centavos ang rate ng National Power Corp. Ang Napocor ay nagsusuplay ng 36.4 percent ng electricity requirement ng Meralco. (Angie dela Cruz)