De los Angeles bantang ipakulong ng Senado

MANILA, Philippines – Desidido si Senate President Juan Ponce Enrile na ipakulong na si Legacy Group Consolidated Inc., President Celso de los Angeles matapos na isnabin nito ang pagdinig kahapon ng Senate Committee on Trade and Commerce at mabigong isumite ang kopya ng statement of assets and liabilities at bank waiver ng personal bank accounts nito.

“Yung si Angeles, kapag hindi siya nagpunta dito kukulungin namin,” sabi ni Enrile sa isang panayam.

Idinagdag ni Enrile na hindi siya mang­hihinayang na ipag-utos at lagdaan ang anu­mang order of arrest laban kay de los Angeles kapag ipagpatuloy nito ang pang-iisnab sa hearing ng Senado.

Nagdesisyon naman ang komite na pina­mumunuan ni Senator Mar Roxas na i-contempt si de los Angeles dahil sa pagkabigo nitong tumu­pad sa kanyang mga pangako sa komite. (Malou Escudero)


Show comments