MANILA, Philippines - Inalis na ng Malacañang kahapon ang deployment ban ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansang Lebanon at Jordan.
Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita sa kanyang media briefing sa Malacañang, wala ng deployment ban sa Jodan at Lebanon subalit mananatili ang ban sa Iraq, Afghanistan at Nigeria.
Sinabi ni Sec. Ermita, inirekomenda ng Department of Foreign Affairs (DFA) kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang lifting ng deployment ban sa Lebanon at Jordan gayundin ang pananatili ng deployment ban sa Iraq, Afghanistan at Nigeria.
Ipinaliwanag pa ni Ermita, ang pagpapatupad naman ng lifting ng deployment ban sa Lebanon at Jordan ay ipinauubaya naman ng Malacañang sa Department of Labor and Employment. (Rudy Andal/Ellen Fernando/Mer Lay Son)