Miriam kay FVR: 'Wag mo akong ipagdasal

Sa halip na magpasa­lamat, ikinairita kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang pagdarasal para sa kanyang kalusu­gan ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Sa isang panayaam, tahasang sinabi ni San­tiago na uma­ asa siyang hindi pinakikinggan ng Diyos ang pana­langin ni Ramos at umaasa rin itong titigil na ng dating pangulo sa pagdarasal para sa kanya.

“I hope God doesn’t listen to his prayer. I hope he (Ramos) stops praying for me,” sabi ni Santiago nang kunan ng reaksyon kaugnay sa sulat na ipi­na­dala sa kanya ni Ra­mos.

Tahasan pang tina­wag ni Santiago na “polluted source” si Ramos at hindi na umano dapat binabanggit ang panga­lan nito. Sa sulat ni Ramos at ng asawa nitong si Ming Ramos kay Santiago na may petsang Enero 20, 2009 sinabi ng dating pangulo na umaasa siya at ang kanyang pamilya na mabalik sa dating sigla ang kalusugan ng sena­dora.

Matatandaan na ma­ta­gal na umabsent si San­tiago sa Senado dahil sa tinatawag na “chronic fatigue”. (Malou Escudero)

Show comments