Pagbalik sa Bitay okay sa PNP

Kung si Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa Jr. ang tata­nungin, pabor siyang maibalik ang parusang kamatayan sa mga gu­magawa ng karumal-dumal na krimen.

Sinabi ni Verzosa na, noong isa siyang superintendent o regional officer ng Criminal Investigation and Detection Group sa Region IV na nag-im­bes­tiga sa kasong rape -slay laban kay dating Calauan, Laguna Ma­yor Antonio Sanchez, pabor na pabor na siya sa death penalty.

 Ginawa ni Verzosa ang pahayag sa gitna na rin ng mainitang usa­pin kung dapat bang ma­panumbalik ang death penalty laban sa mga mapapatunayang drug traffickers.

Nabatid na uminit na naman ang pana­wa­gang muling buhayin ang death penalty ka­ugnay ng kontrober­syal na kaso ng Ala­bang boys na nahuli­han ng illegal na droga ng Philippine Drug Enforcement Agen­cy no­ong Setyembre 30 ng nagdaang taon.

Pero tinutulan ito ni Catanduanes Rep. Joseph Santiago na pu­m­unang depektibo ang death penalty law sa ban­sa kaya hindi dapat pang muli itong pairalin.

 Aniya, hangga’t hin­di nalilinis ang justice system ng bansa at ang mga miyembro ng law enforcement unit ay mananatili itong wa­lang kredibilidad sa paglilitis at pagsasa­gawa ng patas na im­bestigasyon sa mga sus­pek na madadakip sa mga kasong may kata­pat na parusang bitay.

Hindi rin umano ba­tayan ang nasabing in­ sidente ng suhulan sa pagitan ng pamilya ng Alabang boys at ng mga opisyal umano ng DOJ para ibalik ang death penalty.

 Ayon kay Santiago, nakakatakot na muling ibalik ang death penalty dahil kapag ito ay naipa­tupad na sa isang convicted inmate ay hindi na maibabalik ang buhay nito kapag napatunayan sa huli na wala itong ka­­sala­nan. (Joy Cantos at Grace dela Cruz)

Show comments