Dayuhan pinaalalahanan ng Bureau of Immigration na mag-report

Pinaalalahanan ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng foreign nationals na naninirahan sa bansa na mayroon lamang silang hanggang March 1, 2009 para isagawa ang annual report sa tanggapan.

Kinakailangang personal na magtungo sa ahensya ang mga dayuhan, at kung hindi ay ma­ipapatapon sila palabas ng bansa dahil sa pagiging documented aliens.

Ayon kay Immigration Commissioner Marcelino Libanan, ang annual reporting ng mga dayuhan na mag-uumpisa na sa January 2, 2009 ay naka­saad sa Sec. 10 ng alien registration act of 1950 at aplikable sa lahat ng dayuhan na nag­tataglay ng immigrant o non-immigrant visas.

Obligado aniya ang mga dayuhan na taunang mag-report sa ahensya sa unang 60 araw ng bawat taon.

Maari aniyang magtungo ang mga dayuhan sa main office ng BI sa Intramuros Maynila o ’di kaya ay sa kanilang mga satellite offices sa Metro Manila.

Para sa mga dayu­hang nani­ nirahan sa mga lalawigan, maari silang mag­tungo na lamang sa mga field offices o sub-port office ng BI malapit sa kanila.

Kinakailangan lamang dal­hin ng mga dayuhan ang kani­lang mga I-cards at resibo ng pinagbayaran nila ng annual fee noong nakaraang taon.

Ang annual report fee ay P300 at P10 para sa legal research fee na babayaran sa cashier ng BI.

Para sa mga dayuhang edad 14 pababa o 65 anyos pa­taas, ang kanilang magu­lang, legal guardians, o kina­tawan ang magre-report sa BI. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments