JDV namumuro sa bribery

Hinamon kahapon ng Confederation of Government Employees Organizations (COGEO) ang Opo­ sisyon sa Kongreso na pa­tunayan ng mga ito na wala silang kinikilingan sa pa­mamagitan ng pagsisiyasat kay dating Speaker Jose de Venecia sa salang bribery.

Pinuna ni COGEO Chair­man at legal counsel Atty. Jesus Santos na uma­min si de Venecia na tu­mang­gap ito ng tinagurian nitong P500,000 suhol mula umano sa Malaca­ñang.

Ayon pa kay COGEO president Flor Ibañez, idinagdag pa ni de VenecIa na hanggang ngayon ay hawak pa niya ang uma­no’y suhol at ni hindi ito ibi­nunyag kaagad.

“Ang pagtanggap ng suhol ay labag sa batas. Samakatuwid, dapat mana­got si Ginoong de Venecia sa batas,” ayon kay Ibañez.

Sinabi ni Santos na kung totoong para lamang sa katarungan at katoto­hanan ang Oposisyon tulad ng kanilang sinasabi, dapat na siyasatin at aksyunan muna nila ang isang luma­bag sa batas tulad ni de Venecia.

“Kung hindi gagalawin ng Oposisyon ang isang aminadong lumabag sa batas na si Ginoong De Ve­necia, wala silang karapa­tang moral na ipagpatuloy pa ang pagsisiyasat sa impeachment complaint la­ban sa Pangulong Arroyo,” dagdag pa ni San­tos.

Una nang sinabi ni De­ puty Presidential Spokes­man Anthony Golez na po­sibleng makasuhan si de Venecia dahil sa pag-amin nitong tumanggap siya ng suhol na P500,000 habang nasa kasagsagan ng impeachment complaint la­ban kay Pangulong Arroyo noong 2007.

“A crime was commited, he is guilty of accepting a bribe as he said, at ang pera ay itinago niya. Yan ang sinabi niya,” wika pa ni usec. Golez. (Butch Quejada/Rudy Andal)

Show comments