May malaking problema si dating House Speaker Jose de Venecia kung bakit hindi niya ma-endorso ang impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo dahil sa kontrobersiyal na isyu ng overpricing ng Northrail project na sinasabing may kinalaman ang una.
Sinabi ni Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen na baka maipit ang matandang de Venecia sa kasong isinampa ng anak ni tong si Joey sa Kamara.
Ayon kay Dilangalen, mahihirapan silang ibaon si Pangulong Arroyo sa impeachment complaint dahil luma aniya ang mga akusasyon nila laban sa una.
Pero umaasa si Dilangalen na idadaan sa tamang proseso ang reklamo sa Pangulo at hindi dapat itong ibasura. (Butch Quejada)