Malaking tulong ang kailangan ng Pilipinas upang malutas ang lumolobong suliranin sa edukasyon at kalusugan kung gusto nitong makipagsabayan sa buong mundo, ayon kay Senator Richard Gordon.
Nabatid na malaki ang agwat ng ipinuhunan ng bansa sa edukasyon kung saan P6,354 bawat estudyante ang itinakdang alokasyon kumpara sa Thailand na P47,700 bawat estudyante; Malaysia, P56,846; United States, P123,200; at Japan, P293,440.
At dahil sa kakulangang ng budget, makatutulong anya ang Senate Bill 2402 o ang Health and Education Acceleration Program na iniakda ni Gordon.
Sa ilalim ng SB 2402, o ang “text-for-change” bill, inaatasan nito ang mga telecommunication companies na magbigay ng bahagi ng kanilang kinita para sa alokasyon ng edukasyon at kalusugan. (Malou Escudero)