Bilang pagkilala sa kabayanihan at katapangan sa pagtupad sa tungkulin, ginawaran kahapon ng ‘full military honors’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Marine Corporal Angelo Abeto, isa sa tatlong sundalong napatay sa pakikipagbakbakan sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Tipo-tipo, Basilan noong Lunes.
Si Abeto ay tinamaan ng bala ng mortar sa ulo at likod subalit naghintay pa umano ng apat na oras bago nailipad patungong Zamboanga City para mabigyan ng medical assistance.
Masama naman ang loob ng AFP sa bintang na napabayaan ng militar si Cpl. Abeto kaya namatay.
“I think we should give it to our soldiers to die with dignity,” pahayag naman ni Brigadier Gen. Jorge Segovia, acting Chief of the Armed Forces Command Center na nagsabing foul umano ang pagpapakita sa telebisyon ng paghihirap ng nasabing Marine Corporal dahil lubha itong masakit para sa pamilya nito, ka mag-anak at mga kaibigan.
“We would like to remember our soldiers for their heroism, not their suffering,” giit ng opisyal.
Una rito, sinisi ng Phil. Air Force sa masamang lagay ng panahon ang pagkakaantala ng pagpapadala nila ng Huey helicopter. (Joy Cantos)