6 na pulis idiniin ng CHR sa Tagaytay 5

Guilty ang anim na pulis sa kasong abduction, unlawful arrest, at arbitrary detention makaraang ireklamo ng limang magsasaka na tinaguriang “Tagaytay 5”

Sa ipinalabas na resolusyon ng Commission on Human Rights, inirekomenda nito sa tanggapan ng Ombudsman na sampahan ng kasong kriminal at administratibo sina Police Superintendent Rhodel Sermonia, PO1 Alvaro Amba Jr, PO1 Eugene Arellano, PO1 Marvin Mejia, PO1 Rommel Dimaala, at PO1 April Jo Ambajia.

Ang resolusyon ay pinalabas ng CHR batay sa reklamo ng mga magsasakang sina Enrico Ybanez, Michael Mesayes, Aristedes Sarmiento, Axel Alejandro at Ariel Custodio na tinaguriang “Tagaytay 5.”

Ang mga ito ay inaresto ng naturang mga pulis sa Tagaytay City noong Abril 28, 2006 matapos paghinalaang nagsasagawa ng pag aalsa laban sa pamahalaan. (Angie dela Cruz)

Show comments