BOC files raps vs 5 firms, 17 people

Iprinoklama na kaha­pon bilang halal na gober­nador ng Batangas si Lipa City Mayor at actress Vilma Santos na tumalo sa mahigpit niyang mga ka­labang sina incumbent Governor Armand San­chez at Nestor Sanares.

Gayunman, nagsam­ pa din kahapon si San­chez sa Commission on Elections ng petisyong humihiling na ipawalam­bisa ang proklamasyon ni Santos. 

Sa kanyang pitong-pahinang petisyon, isini­walat ni Sanchez ang umano’y pandaraya ni Santos sa pamamagitan ng Oplan Magic Wand na, rito, nagkaroon ng ballot-padding o pagpa­ palobo ng bilang sa mga election return sa iba’t ibang bayan at lunsod sa Batangas.

Nagkaroon din umano ng vote-buying  at ito uma­no ay nakapaloob sa statement ng isang KAMPI watcher na nakatalaga  sa Lipa City na kilalang bal­ warte ng  mag-asawang Vilma at Senador Ralph Recto.

Sinabi pa rin ng kampo ni Sanchez na  hindi uma­no nagkaroon ng maayos at tapat na election  sa Ba­tangas kaya dapat mag­deklara rito ng failure of election dahil sa mga na­ga­nap na dayaan, harassment at act of terrorism.  

Dumalo si Santos sa kanyang proklamasyon sa kapitolyo ng Batangas na kinaroroonan mismo ng opisina ni Sanchez.

Nagpasalamat si San­ tos sa mga Batangueno at nanawagan ng pagka­kaisa sa lalawigan.

Kaugnay ng kanyang petisyon, inireklamo ni Sanchez ang mga intimi­dasyon at  panggigipit sa mga lokal na lider, abduction kay Barangay League president Ramiro Mag­naye ng Lemery. Si Mag­naye ang isa sa mga kan­didato ni Sanchez bilang board member.

Isinama sa petisyon ang pagsunog sa Pinag­bayanan Elementary School sa  Taysan na na­ging dahilan ng kamata­yan ng isa sa poll watchers ni Sanchez; ang sob­rang boto sa Balete  kung saan mas marami pa ang botong naitala sa bilang ng registered voters; at paggamit ng public funds at equipments mula sa munisipalidad ng Lipa at mula sa opisina ni Senator Ralph Recto.

Show comments