Lumilitaw na ang pinakamalaking bilang dito ay mga taga-Metro Manila at Southern Tagalog.
Sinabi pa ni Castillo, posible umanong maituro ang problema sa mataas na labor supply ngunit mababa naman ang bilang ng mapagkakakitaan, at sa mababang kalidad ng edukasyon na hindi tutugma sa iniaalok na uri ng trabaho ng maraming kumpanya sa bansa.
Giit pa ng youth lider na pagpapakita rin umano ito na depektibo ang investment policies ng bansa at walang malinaw na direksyon ang pamahalaan para sa mga manggagawang Pilipino. (Edwin Balasa)