Ito ang iginiit ng Demokratiko Sosyalistang Kabataan ng Pilipinas (DSKP) kaugnay sa pagpapasara ng Commission on Higher Education (CHEd) sa mga nursing review centers bilang aksiyon sa naganap na leakage dito kamakailan.
Ayon kay Michael Eric Castillo, DSKP spokesperson, hindi dapat na isisi ng CHED ang mga review centers sa nasabing leakage kundi ang mababang kalidad ng curriculum design at low competence na mga teachers ang nagtutulak sa mga eskuwelahan at estudyante na mandaya sa exams.
"There are many types of licensure examinations - dentistry, accountancy, seamanship, engineering, and many others. What will CHED do when similar anomalies happened, close all the review centers?" pahayag ni Castillo. (Doris Franche)