Isinara sa mga pampublikong behikulo ang kalye ng J.P. Laurel, Mendiola at Arlegui patungo sa Palasyo.
Ibinarikada ng MPD ang daan-daang miyembro ng Civil Disturbance Management Unit sa paligid ng Palasyo partikular na sa may Mendiola.
Tatlong layer ng depensa ang inilatag, unang naglagay ng mga matataas na barbed wire, ikalawa ang hanay ng mga anti-riot police at ikatlo ay ang mga inihilerang cargo container van sa kanilang likuran.
Ang mga tauhan naman ng Presidential Security Group ang nakatalagang magdedepensa sa loob ng Palasyo sa oras na malusutan ang depensa ng MPD sa labas nito.
Bukod sa Malacañang, nagdagdag rin ng seguridad sa pangunahing establisimiyento sa lungsod tulad ng Pandacan oil depot, LRT, US Embassy, malls, airports, pantalan at terminals. Selyado na rin ang mga entry points sa Metro Manila upang harangin ang mga coup plotters na magtatangkang pabagsakin ang liderato ni Arroyo.
Libu-libong sundalo ang nakalerto ngayon sa mga entry points gaya ng NLEX, SLEX at highway sa Cainta, Rizal. (Danilo Garcia/Joy Cantos)