Comelec ‘lulusubin’

Lulusob ngayong umaga para magpiket sa harapan ng gusali ng Comelec ang may higit sa 200-katao miyembro ng Aksyon Sambayanan at Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (Aksyon Sambayanan-PDSP) kaugnay sa isinusulong na "electoral reforms" at ang pagbibitiw sa tungkulin ng mga commissioner.

Ayon sa Aksyon Sambayanan-PDSP, hindi sila titigil hangga’t hindi dinidinig ang kanilang kahilingang pagbibitiw ng mga commissioner ng Comelec para sa hangaring pagbabago at pagsasaayos ng nasabing ahensiya na naging makontrobersiya sa anomalya sa eleksiyon.

Magsasagawa ang grupo ng mga programa upang maiparamdam sa pamahalaan ang layunin ng isinusulong na electoral reforms, gayundin ay maipaabot sa publiko na karapatan lamang ng bawat sinumang botante na maging alerto tuwing nagaganap ang eleksiyon sa ating bansa at maging concerned sa nagaganap na pandaraya.

Show comments