Sinabi ni Sen. Arroyo, sa kabila na naipasa ang EPIRA noong 2001 matapos madaliin ito ng Arroyo government ay umaabot lamang sa 3 porsiyento ang naisapribadong generating plants ng Napocor.
Wika ni Arroyo, mas inuna ng Napocor officials ang pagkolekta sa kanilang separation pay na umabot sa P12 bilyon gayung malinaw na isinasaad ng EPIRA law na makukuha lamang nila ito sa tuwing may maisasapribado silang generating plants.
Hindi bumoto noon si Arroyo ng pabor sa pagpasa ng EPIRA. (Rudy Andal)