Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Ricardo Saludo, mahigpit na seguridad hindi lang sa Pangulo kundi sa lahat ng dadalong mga bisita pero hindi naman nangangahulugan na mayroong mga banta o ligalig na inaasahan na sisira sa okasyon.
Alas-8 ng umaga bukas ay magkakaroon ng ecumenical prayer sa Luneta at tampok sa okasyon ang talumpati ng Pangulo sa sambayanan. Sampung mahahalagang programa ng pamahalaan ang detalyadong ihahayag nito.
Alas-12 ng tanghali nasa Cebu City ang Pangulo at kanyang Bise Presidente para sa kanilang panunumpa sa tungkulin. (Ulat ni Lilia Tolentino)