Ito ang kasagutan ni LRTA officer-in-charge administrator Atty. Zosimo Mendoza Jr. sa mga anomalyang isinambulat ni Veloso sa kanyang privilege speech noong Lunes kaugnay sa pagpili ng Management Information System (MIS) at grinding machine para sa Megatren.
"Itong mga paratang na ito ay pareho nang mga inilabas nina Veloso at Parañaque City Rep. Eduardo Zialcita sa isang resolusyon noong Mayo 19, 2003. Napawalang-saysay na ang mga ito dahil sa wala itong mga pinagbabasehan," tugon ni Mendoza.
Naniniwala ang LRTA na ang ginawa ni Veloso ay may bahid pulitika dahil kandidato ng administrasyon ang dating pinuno ng LRTA, si Atty. Teddy Cruz Jr., bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Kalaban niya si dating Rep. Noli Fuentebella, kapartido ni Veloso at mula sa angkan ng mga pulitiko sa Camarines Sur.