Sa kanyang pahayag, sinabi ng vice chairman ng House committee on trade and industry na ang lahatang panig ng pagsisiyasat sa mga pinasok na negosyo ng SSS, simula sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos hanggang sa kasalukuyan, ang magbibigay ng tuldok sa mga ginagawang pamimingwit ng ilang sektor sa lipunan.
Aniya, dapat nang tapusin ang mga naglalabasang mga haka-haka kaugnay sa pagbenta ng SSS sa 29% bahagi nito sa PCI-Equitable Bank sa Banco de Oro.
Sinabi pa ni Villarama na matagal nang dumaan sa pangungutya, paratang at ibat ibang haka-haka ang mga miyembro at opisyal ng SSS dahil sa akusasyon na ginagawang gatasan ito ng mga nasa kapangyarihan.
Iminungkahi nito na ang mga kinatawan mula sa Makati Business Club, Philippine Chamber of Commerce, sectoral groups, SSS employees at opisyal ang dapat bumuo sa nasabing imbestigasyon. (Ulat ni Malou Rongalerios)