"The defense of the life, liberty and property of the public is principally for the state to provide," wika ng dalawang senador na may-akda ng Senate Bill No.2480, na magbabawal sa pagdadala ng baril sa labas ng bahay, maliban sa mga miyembro ng militar at pulisya habang tumutupad sa kanilang tungkulin.
Kung maisasabatas ay ipagbabawal rin ng panukala nina Drilon at Pimentel ang pag-eempleyo ng sinumang opisyal ng pamahalaan ng body guards kung ang mga itoy hindi regular na miyembro ng AFP o PNP.
Pagkakulong ng anim hanggang 10 taon at multang P20,000 hanggang P100,000 ang parusa sa lalabag sa probisyon ng panukalang batas.