Masayang ibinalita nina Dra. Ma. Consorcia Lim-Quizon, OIC ng Epidemiologist Center ng DOH at Dr. John Mark Olivey, WHO representative sa bansa, na tinanggal na ang Pilipinas sa listahan ng mga SARS affected countries makaraang wala nang naitalang bagong local spread kahit pa nagkaroon ng huling imported case noong Abril 30.
Nilinaw ni Quizon na hindi makakaapekto ang panibagong imported case na ito dahil sigurado ang DOH na walang local transmission na naganap sa mga ito dahil sa maagap ang pagsailalim sa kanila sa quarantine at incubation.
Humingi rin ng paumanhin si Olivey sa pamahalaan makaraang ma-misinterpret ng ibang bansa ang klasipikasyon ng WHO sa Pilipinas na naging dahilan upang magpalabas ng travel ban ang ibat ibang bansa laban sa mga biyahero mula sa Pilipinas.
Inaasahan na aalisin na rin ng mga bansang nagpalabas ng travel ban ang kanilang advisory sa Pilipinas at malaya ng makakapunta ang mga Pilipino sa mga bansang nais nito. (Ulat ni Jhay Mejias)