NPA dahilan ng paghihirap ng taong bayan
January 17, 2003 | 12:00am
Hindi naikakaila na mas matindi na ngayon ang pagsasagawa ng mga rebelde ng kanilang layunin. Kumpleto sila sa tamang gamit at koneksyon sa bawat sektor ng lipunan. Nagsasagawa na sila ng training at seminar upang mapalawak ang kanilang adhikain. Natuto na silang mag-analyze ng mga kaganapan upang makagawa sila ng paraan kung papaano ito magiging pabor sa kanilang propaganda.
Kamakailan, itinuring ng Estados Unidos ang CPP-NDF-NFA bilang mga terorista dahil sa mga ulat na pakikipag-alyansa ng mga ito sa ilang international terrorist group, subalit pinabulaanan naman ito ng kanilang liderato. Kinukumpirma pa ang ulat na konektado ang CPP-NDF-NPA sa rebeldeng grupong Abu Sayyaf.
Bagamat ang CPP-NDF-NPA ay nagpapalakas ng puwersa laban sa pamahalaan, Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, Pambansang Kapulisan at iba pang law enforcement agencies, hindi maikakaila na dumanas din sila ng mas maraming pagkatalo noon at ngayon.
Ilan sa mga ulat ang nagsasabi na bahagi ng na-neutralized ang grupo dahil sa pagkakadakip ng ilan sa kanilang matataas na opisyal. Ilan din sa kanilang mga aktibong miyembro ay nagbalik-loob na sa pamahalaan at ang ilan naman ay napatay sa enkuwentro. Dumadanas din ang rebeldeng grupo ng problema sa pananalapi kung kayat nagsasagawa ang mga ito ng kidnap-for-ransom upang suportahan ang kanilang operasyon.
Dahil sa mga pangyayari, nagpahayag ng CPP-NDF-NPA ng kanilang intensiyon na bumalik uli sa pakikipag-usap sa government panel tungkol sa naantalang peace talks. Ibig ipahiwatig ng grupo na sinsero sila sa pakikipagpulong subalit taliwas naman ito sa nangyayari sa ibang bahagi ng bansa. Ito ang dahilan kung bakit nagdududa ang mga mamamayan sa kredibilidad ng CPP-NDF-NPA.(Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended