Pinangunahan ni PEA board member Jose Mari Gerochi ang pagbibitiw sa tungkulin habang nagpasyang magbakasyon muna ang mga opisyal ng PEA na pinangungunahan ni chairman Ernest Villareal at board members Rodolfo Tuazon, Angelito Villanueva, Martin Sanciego Jr. at Benjamin Carino.
Una nang inaprubahan ng Pangulo ang hiling na bakasyon ng whistleblower sa eskandalo na si PEA director Sulpicio Tagud Jr.
Pinagbabakasyon ni Pangulong Arroyo ang lahat ng opisyal ng PEA dahil nais ng Malacañang na maalis ang pagdududa sa publiko na maaaring magkaroon ng whitewash sa imbestigasyon sa gitna ng pagkakadawit kay Chief Presidential Legal Counsel Avelino Cruz sa pag-aapruba ng nasabing proyekto na sinasabing nagkaroon ng overpricing na P600 milyon. Si Cruz ang nagsilbing acting executive secretary.
Kasabay nito, inatasan din ng Pangulo si Cruz na huwag ng umeksena sa pag-iimbestiga sa ngalan ng delicadeza at sa halip ay ipinapadiretso na ng Pangulo sa Presidential Anti-Graft Commission ang pagsisiyasat sa kaso. (Ulat ni Ely Saludar)