Gayunman, hindi na kailangan pang mag-aksaya ng panahon ang mga awtoridad sa pagsisilbi ng warrant dahil kasalukuyang nakapiit ang dating pangulo sa Veterans Memorial Medical Center dahil naman sa kasong plunder na isang non-bailable case.
Ipinalabas ang warrant bilang bahagi ng standard operating procedure ng korte.
Isinampa ng gobyerno ang kasong perjury laban sa dating presidente dahil sa ginawa nitong pagpapalsipika sa kanyang 1998 Statement of Assets and Liabilities (SAL) nang ideklara niyang may kabuuang P37.3 milyon lamang ang kanyang total assets, gayong ayon sa gobyerno ang total assets ni Estrada nang nasabing taon ay P57.1 milyon maliban pa sa interes ng walo nitong kompanya.
Maliban sa kasong plunder at nabanggit na perjury case, nahaharap pa rin sa isang kaso ng perjury si Estrada dahil sa maling deklarasyon niya ng kanyang 1999 SAL, illegal use of alias at graft. (Ulat ni Malou Escudero)