^

Punto Mo

Eroplano sa Portugal, 4 na araw na hindi nakabiyahe nang makawala ang mga sakay na 132 hamsters!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAANTALA ang biyahe ng isang eroplano sa Portugal matapos makatakas ang 132 hamsters mula sa kanilang mga kahon sa cargo hold.

Ang insidente ay naganap sa isang flight ng TAP Air Portugal mula Lisbon patungong Ponta Delgada Airport.

Bukod sa mga pasahero, nagdadala rin ang eroplano ng iba’t ibang alagang ­hayop, kabilang ang mga hamster, ferret, at ibon na dadalhin sa isang pet store.

Ngunit nang makara­ting ang eroplano sa Ponta ­Delgada, natuklasan ng mga airport staff na ang mga hamster ay nakawala at gumala sa cargo hold ng Airbus A320.

Dahil posibleng ngatngatin ng mga hamster ang mga electrical wire ng eroplano, napagdesisyunan ng mga opisyal na i-ground ang eroplano sa paliparan para sa kaligtasan.

Umabot ng apat na araw ang ginugol ng mga staff upang hanapin at hulihin ang mga nakatakas na hamsters.

Matapos ang maingat na inspeksyon at paglilinis, nakabalik sa Lisbon ang eroplano.

HAMSTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with