^

Banat Opinyon

Project

UNFILTERED - Ben Tulfo - Banat

SIGURADONG nagkakamot ngayon ng ulo si DILG Bida este DILG Sec. Benhur Abalos.

Habang si Negros Oriental Rep. Arnie Teves, ayun nasa labas pa rin ng bansa. Kumakasa. Pangisi-ngisi lang. Kaya ang kanyang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio, ninanamnam ang limelight. Kuntodo porma sa harap ng mikropono at kamera.   

Ito namang Ethics and Privileges Committee ng Kongreso pasikat. Nagbigay ng ultimatum, dapat daw lumutang na si Teves hanggang 4:00 p.m. kahapon. Goodluck!    

Ang totoo, hanggang aspetong administratibo lang naman ang Kongreso. Puwede nilang suspendihin si Teves pero hindi siya puwedeng i-expel dahil siya ay elected official. Ma­liban na lamang kung may matibay na ebidensiya na siya ang utak at nasa likod ng pagpatay kay Governor Degamo.  

Ang problema, hanggang ngayon puro ngawa lang sa media ang DILG, PNP at NBI. Ang inginunguso lang nilang pangu­nahing suspek, si Teves. Pero ebidensiya, wala. Walang state witness. Walang direktamenteng nagpapatunay na si Teves ang nag-utos sa kanila. At walang matibay na ebidensiya na magdidiin sa kongresista. 

Sa mga nakaraang kaso na inimbestigahan ng BITAG mayroong tinatawag na “project”. Kadalasan ito ay ‘yung mga assassination, kidnapping for ransom (KFR) o bank robbery. Sa bawat project laging mayroong “brain” o utak. Siya ang nagpaplano ng lahat. Depende sa project pero kadalasan, ang isang malakihang project ay binubuo ng 12 miyembro pataas.   

Kapag buo na ang plano, magpopondo na ang “financier­”. Maaaring ang mismong brain na rin ang financier pero minsan, third party. Pera, sasakyan, kagamitan lahat ng mga kaka­ilanganin ng grupo siya ang bahala. Lahat ng mga makaka­sama sa project daraan sa recruitment process. “Recruiter” ang tawag doon sa maghahanap ng mga tao at makakasama. Sa mga na-recruit, mayroong tinatawag na first layer at second layer.  

First layer sila ‘yung mga titira. Kung sa assassination, sila ang mga papatay. Ang second layer naman ay ‘yung mga haharang sa mga magsasagawa ng hot pursuit ope­ration. Ibig sabihin maraming layer. Sakaling mahuli ang first layer o second layer, mahihirapan o hindi nila maituturo kung sino ang utak ng krimen.

Sa pagpatay kay Gov. Degamo, gusto kong malaman kung mayroon nga bang first layer o second layer ang grupo. 

Kahapon, nagsalita si DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla sa media. Mayroon na naman daw apat na mga nag-surrender. Itong mga sumuko raw ay mga “major player” sa pag­paslang sa governor. Kung sila man ang first layer o second layer na tatayong state witness, hukuman na ang magdedetermina sa ipipresenta nilang mga ebidensiya.

vuukle comment

BENHUR ABALOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with